Hihingi ng pansamantalang solusyon ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration para pigilan ang ginagawang reclamation ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, sakaling ideklara ng PCA na mayroon silang hurisdiksyon sa kaso ay agad nilang isusunod ang petisyon para sa provisional measures para mahinto ang reclamation activities ng China.
Ang paghingi ng provisonal measures ay una nang iminungkahi ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
Sa ngayon, sinabi ni de Lima na naka-focus ang legal team ng Pilipinas sa oral arguments para sa jurisdiction issue sa PCA.
Sa PCA dinidinig ang inihaing arbitration case ng Pilipinas sa halip na sa ITLOS o International Tribunal on the Law of the Sea dahil sa pagtanggi ng Tsina na lumahok sa proseso ng pagdinig.
By Len Aguirre