Pinawi ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang pangambang maaring makapinsala sa sektor ng pamumuhunan ang ipinatutupad na batas militar sa Mindanao.
Sa isang pagpupulong, sinabi ni Diokno na pinuri ng business sector ang pagiging buo ng loob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdurog sa terorismo sa Mindanao.
Mas maikli anya ang panahon ng idineklarang martial law ng Pangulo kumpara sa tagal ng pagka-antala ng mga proyekto ng pamahalaan dahil sa terorismo.
Samantala, iginiit ni Diokno na agad din namang maitutuloy ang mga naantalang proyekto ng gobyerno sa Mindanao kapag mas maagang natapos ang krisis sa naturang rehiyon.
DA magpapa-abot ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa Marawi
Magpapaabot ng tulong ang Department of Agriculture o DA sa mga magsasaka at mangingisda na nawalan ng kabuhayan bunsod ng patuloy na bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, maaaring makakuha ng survival loan na aabot sa limang libong piso (P5,000.00) ang bawat pamilya ng mga apektadong magsasaka o mangingisda.
Sakali namang magbalik normal na ang sitwasyon sa Mindanao, maaari rin aniya silang mag-apply ng loan na aabot sa dalawampung libong piso (P20,000.00) sa ilalim ng recovery program ng ahensya.
Dagdag ni Piñol, nagkaloob na rin sila ng mga bigas, delata at iba pang relief goods na ipamamahagi naman ng DSWD o Department of Social Welfare and Development.
By Katrina Valle / Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco