Patay ang apatnapu (40) katao habang tatlumpung (30) iba pa ang sugatan sa suicide car bomb attack sa Kabul, Afghanistan.
Ayon kay Najid Danish, deputy spokesman ng Interior Ministry, malapit mismo sa German Embassy nangyari ang suicide bombing sa kasagsagan ng rush hour kung saan halos puno ng mga tao ang mga kalsada.
Samantala, abot-abot ang pasasalamat ng Minister of External Affairs ng India dahil ligtas ang lahat ng kanilang staff sa pagsabog sa Kabul malapit sa Indian Embassy.
By Meann Tanbio