Ipinauubaya na ng Minority Bloc ng Senado sa ibang mga grupo ang pagpapasaklolo sa Korte Suprema para kuwesyunin ang pagdideklara ng batas militar sa Mindanao
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, posible aniyang mabahiran ng pulitika kung sila mismo ang dudulog sa high tribunal kaya’t susuportahan na lamang nila kung sino o alinmang grupo ang gagawa nito
Kasunod nito, tiniyak ni Drilon na sinunod nila ang mga napagkasunduan sa ginawang briefing sa kanila ng security officials ng bansa na huwag isapubliko ang ilang mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa national security
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Drilon
Samantala, binira naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto ang mga Senador na bumoto pabor sa hirit ng menorya na magkaroon ng joint session para talakayin ang idineklarang martial law ng Pangulo
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. Drilon
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno