Posibleng i-akyat na ng mga tutol sa deklarasyon ng Martial Law ang labanan sa Korte Suprema.
Sakaling mangyari ito, tiniyak ni Congressman Gary Alejano, miyembro ng minorya sa Kongreso na susuportahan niya ang naturang hakbang.
Ayon kay Alejano, bilang isang mambabatas at bilang isang dating sundalo, kumbinsido siya na kayang kontrolin ng militar ang sitwasyon sa Marawi City kahit na walang Martial law.
Mas matitindi pa aniya ang mga naging karanasan ng bansa mula sa mga bandido at rebelde sa Mindanao nitong mga nagdaang taon pero hindi kinailangan ang Martial Law.
Tinukoy ni Alejano ang laban noon ng militar sa Moro Islamic Liberation Front noong taong 2000 kung saan mahigit sa limampung libo (50,000) ang hinarap nilang miyembro ng MILF sa mas malawak pang lugar.
Dito nabawi ng militar ang Camp Abu Bakar, ang pinakamalaking kampo ng MILF.
Sinabi ni Alejano na ganito rin halos ang nangyari sa Zamboanga siege noong 2013 nang salakayin naman ng Moro National Liberation Front ang syudad.
By Len Aguirre
Pagtutol sa deklarasyon ng Martial Law posibleng iakyat sa SC was last modified: June 1st, 2017 by DWIZ 882