Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Officer in Charge Deputy Director General Leonardo Espina ang mga pulis na patuloy paglingkuran ang bansa at mamamayan.
Bahagi ito ng farewell speech ni Espina sa flag raising ceremony sa Kampo Krame kaninang umaga bago ang nakatakda nitong pagreretiro sa Hulyo 16.
Present sa huling flag raising ceremony ni Espina ang maybahay nitong si Dina Espina at ang mga PNP chief top contenders na sina Police Deputy Director Benjamin Magalong, Deputy Director General, acting Chief ng Directorial Staff na si Danilo Constantino at Police Director Ricardo Marquez.
Samantala, tumanggi namang magsalita si Espina sa kung sino ang mga posibleng maging susunod na PNP Chief.
Tulong sa pamilya ng SAF 44
Siniguro din ni Espina na handa pa rin syang tumulong sa mga pamilyang naiwan ng nasawing PNP Special Action Force o SAF 44.
Ito ay sa kabila ng kanyang pagreretiro sa Huwebes, Hulyo 16.
Ayon kay Espina, alam niya ang nararamdaman ng mga pamilya at ang paghahanap ng hustisya ng mga ito.
Hindi aniya mapapantayan ng pera ang katapangan na ipinakita ng mga saf ngunit kinakailangang mag move on sa isyu.
Ipinauubaya na ng paretirong heneral sa Department of Justice ang kaso para mapanagot ang nasa likod ng madugong operasyon.
By Ralph Obina | Rianne Briones | Jonathan Andal