Nakiusap si House Defense Committee Senior Vice Chairman Ruffy Biazon sa pamahalaan na iwasan ang sisihan sa friendly fire sa Marawi City na ikinasawi ng labing-isang (11) sundalo.
Binigyang-diin ni Biazon na hindi ito maiiwasang mangyari dahil sa urban close quarter combat na ang nangyayari.
Kumplikado aniya ang airstrike dahil maraming factors upang ito ay maging matagumpay o kaya naman ay sumablay.
Idinagdag pa ng ni Biazon na ito ang dahilan kung bakit madalas ang pagsasanay sa ibang bansa ng mga sasabak sa airstrike.
By Meann Tanbio