Tiniyak ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na hindi na mauulit ang pumalyang airstrike sa Marawi City na ikinasawi ng 11 sundalo.
Ayon kay Año, gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang masolusyunan sa lalong madaling panahon ang krisis sa Marawi.
Sisikapin aniya nila na habulin ang deadline na itinakda ni Defense Secretary Delfin Lorenzana para pulbusin ang Maute Group ngayong linggo.
Sinisiguro rin ni Año na hindi nila isasaalang-alang ang buhay ng mga sundalo at sibilyan sa paghabol sa nasabing deadline.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal