Aminado ang Department of National Defense na malaki ang magiging epekto sa morale ng mga sundalo ang sumablay na air strike sa Marawi City na nagresulta sa pagkamatay ng 11 sundalo at pagkasugat ng pitong iba pa.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi maiiwasang malungkot ang mga kawal sa nangyaring insidente dahil kasamahan din ang bumomba sa kanila.
Dagdag pa ni Lorenzana, sisikapin nilang payapain ang paghihinagpis ng pamilya ng mga nasawi sa air strike.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping