Pinayagan ng Department of Education o DepEd na magtaas ng tuition fee ang isang libo at labing tatlong (1,013) pribadong elementarya at high school sa darating na pasukan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang naturang bilang ay walong (8) porsyento lamang ng halos labing tatlong libong (13,000) mga paaralan sa buong bansa.
Pinakamarami sa mga paraalan na pinayagang magtaas ng singil sa tuition fee ay mula sa Metro Manila, Region 11 at Region 3.
Positibo naman si Briones na dahil sa naturang pagtataas ay maiiwasan na ang paglipat ng mga gurong nasa pribado sa public school dahil alinsunod sa batas ay 70 percent ng itataas ay dapat na mapunta sa mga teaching staff ng mga paaralan.
By Rianne Briones
1013 pribadong elementary at HS pinayagang magtaas ng tuition was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882