Labing walo (18) katao ang nilinis ng NBI o National Bureau of Investigation sa posibleng pagsuporta sa Maute Group.
Kabilang sa mga labing walo (18) katao na Mayroong mga apelyidong Maute at Bandrang ay 2-taong gulang at isang 10-taong gulang na lumantad sa NBI para itanggi ang kaugnayan sa nasabing teroristang grupo.
Sumalang sa proseso ang mga nasabing tao tulad ng paglilitrato sa mga ito, pag-finger print at interview hinggil sa mga personal na impormasyon na may kaugnayan sa Maute Group.
Ang mga nasabing indibiduwal ay isinalang din sa medical check-up.
Ang grupo, ayon kay Atty. Dalomilang Parahiman ng National Commission on Muslim Filipinos ay dapat magtutungo ng Saudi Arabia para sa isang religious pilgrimage nang mabalitaan ang lookout order laban sa kanila.
Iginiit ni Parahiman na pawang sumusunod sa batas ang naturang grupo na mula sa Mulondo, Lanao del Sur.
By Judith Larino
18 katao nilinis ng NBI sa posibleng kaugnayan sa Maute was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882