Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang pasya ni US President Donald Trump na tuluyan nang umatras sa Paris climate agreement.
Ayon sa European Union, itinuturing nilang napakalungkot na araw para sa global community ang pagtalikod ni Trump sa kasunduan.
Sa iisang pahayag naman na ipinalabas ng France, Italy at Germany, kanilang lubos na ikinadismaya ang desisyon ni Trump at muling pinagtibay ang kanilang commitment sa Paris climate agreement.
Samantala, nakakuha naman ng suporta si Trump mula sa American Coalition for Clean Coal Electricity.
By Krista de Dios
Pag-atras ni Trump sa Paris agreement umani ng batikos was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882