Sinibak na sa pwesto ang isang military official na sangkot sa operasyon laban sa Maute Terror Group sa Marawi City.
Ayon kay Philippine Army Spokesman lt. Col. Ray Tiongson, ni-relieve sa pwesto si Brig. Gen. Nixon Fortes bilang commander ng 103rd brigade.
Papalitan si Fortes ng kanyang deputy na si Col. Generoso Ponio.
Nilinaw naman ni Tiongson na walang kinalaman sa lapses sa ikinasang operasyon sa Marawi ang pagkakasibak kay Fortes.
By: Meann Tanbio