Inaasahang makapaglalabas na ng desisyon ang International Arbitral Tribunal sa loob ng tatlong buwan.
Ito’y upang mabatid kung may hurisdiksyon ba o wala ang Arbitral Court sa reklamo ng Pilipinas hinggil sa talamak na reclamation activities ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, batay ang nasabing pagtaya kay Paul Richler na isa sa mga abogado ng Pilipinas sa permanent court base na rin sa kaniyang mga naging karanasan sa paghawak ng ibang kaso.
Kung sakaling magpasya ang Arbitral Court na may jurisdiction sila sa usapin, muling magbabalik ang Pilipinas sa The Hague para sa patuloy na oral argument.
By Jaymark Dagala