Tiwala ang NEDA o National Economic Development Authority na walang negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa ang nangyaring kaguluhan sa Resorts World Manila.
Ipinaliwanag ni Socio-Economic Planning Secretary at NEDA Director General Ernesto Pernia, isolated case lamang nangyaring pamamaril at pagnanakaw sa naturang casino hotel.
Kaugnay nito, positibo din si NEDA Undersecretary Adoracion Navarro na hindi mababago ng insidente ang economic fundamentals ng bansa.
By Ralph Obina
Resorts World incident walang epekto sa ekonomiya—NEDA was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882