Pinangalanan na ng United Nations ang limang (5) bansang bubuo sa UN Security Council simula Enero ng susunod na taon.
Kabilang sa mga bansang nahalal sa nasabing konseho ay ang Ivory Coast, Equatorial Guinea, Kuwait, Peru at Poland na magsisilbi sa kanilang termino sa loob ng dalawang (2) taon.
Sampung (10) bansa ang bumubuo sa UN Security Council kung saan kasama ng mga bagong halal na bansa ang mga permanent veto-powers tulad ng Amerika, Britain, France, China at Russia.
Bagama’t umani ito ng suporta sa mga regional groups ng UN, tinawag naman itong seryosong problema ng mga human rights activist dahil sa isyu sa ilang mga bansang nahalal na may kinalaman sa paglabag sa karapatang pantao.
By Jaymark Dagala
5 bagong bansang bubuo sa UN Security Council inihayag was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882