Muling ipinagpatuloy ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang kanilang airstrikes laban sa teroristang grupong Maute sa Marawi City.
Ito’y makaraang pansamantalang suspindehin ng pamahalaan bunsod ng pagpalya ng nasabing airstrike na pumatay mismo sa sampung sundalo noong Huwebes.
Una nang nanawagan ang AFP sa mga terorista na nasa marawi na sumuko na lamang kaysa mamatay bunsod ng ginagawa nilang mga pag-atake na bahagi ng kanilang opensiba.
Samantala, binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng isa sa mga nasawing sundalo ng pumalyang airstrike ng militar sa Marawi City kahapon.
Ginawaran ng posthumous medal ng Pangulo ang labi ni Corporal Nilo Donato Jr. sa tahanan nito sa Zamboanga Sibugay.
Una rito, nakipag-usap ang Pangulo sa mga tropa ng 102nd Infantry Brigade Headquarters sa nasabi ring bayan.
Isa si Donato sa sampung (10) sundalo na nasawi sa pumalyang airstrike ng militar na siyang iniimbestigahan na ngayon ng AFP.
By Jaymark Dagala
Airstrikes sa Marawi nagpatuloy was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882