Nakatakdang pulungin ng Philippine National Police o PNP ang mga security officer sa lahat ng hotel sa Metro Manila.
Kasunod ito ng naganap na Resorts World Manila kung saan isang armadong lalaki ang umatake sa loob ng hotel na ikinasawi ng 38 katao kasama na ang suspek.
Ayon kay PNP National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde, ito ay upang masigurong hindi na mauulit ang insidente sa iba pang hotel at casino.
Una rito nang sinabi ni Albayalde na iniimbestigahan na kung nagkaroon ng lapses sa seguridad ng Resorts World matapos na makapasok ang suspek na may dalang baril at gasolina.
Nangyaring insidente sa Resorts World isang isolated case alamang – PAGCOR
Itinuturing na isolated case lamang ng PAGCOR o Philippine Gaming Corporation ang nangyaring pamamaril at panununog ng isang armadong lalaki sa Resorts World Manila sa Pasay City noong Biyernes.
Ayon sa PAGCOR, nakikipag-tulungan na sila sa mga casino operator upang masigurong hindi na mauulit pa ang kaparehong pangyayari.
Mahalagang matutukan din ang mga detalye sa pagbibigay ng seguridad sa mga guest at mga empleyado ng mga casino.
DSWD umapela ng mabilis na hustisya para sa mga biktima
Umapela ng mabilis na hustisya si Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Judy Taguiwalo para sa mga biktima ng pag – atake sa Resorts World Manila.
Ayon kay Taguiwalo, dapat na maging maagap ang mga otoridad sa pag-iimbestiga upang matukoy kung sino ang nagkaroon ng pag kukulang o may sala sa pangyayari.
Kaugnay nito, umapela ang kalihim na matigil na ang walang saysay na mga karahasan at pagpatay sa bansa
Kailangan aniyang manaig ang karapatan ang sinoman na mamumuhay ng mapayapa at malayo sa pananakot.
By Rianne Briones