Binisita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Marawi City upang perosnal na alamin ang sitwasyon doon.
Kasama niya ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philipines o AFP sa pangunguna ni Chief of Staff General Eduardo Año.
Ayon kay Lorenzana, hindi lang lokal na teroristang grupo na Maute ang may kagagawan sa Marawi crisis.
Anya, may kamay na rin ang ISIS sa nangyayari sa naturang lugar, na napatunayan umano sa walong (8) mga dayuhan na napatay ng mga otoridad.
Malaki rin anya ang posibilidad na totoo ang kwento ng mga na-rescue na mga sibilyan na may mga dayuhan pang natitira sa loob ng Marawi na nagsisilbing mga snipers.
Kasama nilang nakipagpulong kanina sa Lanao del Sur Crisis Management Committee sina Lt. General Carlito Galvez ng Westmincom at Brig. General Rolando Bautista ng 1st Division ng Philippine Army.
By Jonathan Andal