Nakalatag na ang ‘Peace Corridor’ ng gobyerno na naglalayong mapabilis ang rescue at humanitarian operations ng mga sibilyang na-trap sa kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay Irene Santiago, Chairperson for the Bangsamoro Peace Process, nakabuo na ng composite team ang AFP, PNP at MILF na magbabantay sa ‘Peace Corridor’.
Mayroon na aniyang joint coordinating, monitoring at assistance center sa Malabang at Marawi at may mobile center na malayang makabibiyahe sa corridor.
Idinagdag pa ni Santiago na magde-deploy din ng 300 train members sa corridor para masigurong magiging ligtas ang dadaanan ng relief goods at mga sibilyan na lumilikas mula sa Marawi City.
By Meann Tanbio
‘Peace Corridor’ ng gobyerno na naglalayong mapabilis ang rescue operations sa Marawi nakalatag na was last modified: June 4th, 2017 by DWIZ 882