Tinatayang 1200 miyembro ng Islamic State ang nasa Pilipinas kung saan 40 sa mga ito ay mula sa Indonesia.
Ito ang inihayag ni Indonesian Defense Minister Ryamizard Ryacudu sa idinaos na international security forum.
Naroon din sa nabanggit na forum si Defense Undersecretary Ricardo David kung saan sinabi nito na hindi niya alam ang ganoong kalaking bilang ng I.S. Fighters sa Pilipinas.
Sa pagkakaalam ng kalihim, nasa 250 hanggang 400 ang bilang ng ISIS members na nasa Pilipinas.
Ayon pa sa kalihim, aabot sa 40 foreign I.S. Fighters ang naaresto sa kasagsagan ng kaguluhan sa Marawi city at walo rito ay napatay ng pwersa ng gobyerno.
By: Meann Tanbio