Kumpiyansa si Senador JV Ejercito na kakatigan ng Korte Suprema ang pagiging lehitimo ng idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ito’y ayon sa Senador ay dahil sa ito na ang kinakailangang hakbang para malabanan ang rebelyon at matamo ang pangmatagalang kapayapaan sa Marawi City gayundin sa buong mindanao.
Bagama’t karapatan aniya ng genuine minority ng Kamara ang pagpapasaklolo sa Korte Suprema para kuwesyunin ang batayan ng pagpapatupad ng batas militar, makabubuti aniyang suportahan na lamang ng publiko ang Pangulo gayundin ang mga sundalo.
Marami aniya sa mga sundalo ang nagbubuwis ng buhay para maresolba ang mga pangyayari sa Mindanao kaya’t kailangan ngayon ng pamahalaan ang ibayong suporta para matagumpay na maibalik ang kaayusan at katahimikan sa Mindanao.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno