Nagpasaklolo na sa Korte Suprema ang Genuine Minority ng Kamara para kuwesyunin ang batas militar na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Iginiit ng grupo sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman na walang matibay na batayan ang Pangulo na ideklara ang batas militar .
Ipinunto pa ni Lagman na hindi rebelyon at nangyayaring pananakop ngayon sa Marawi City at sa buong Mindanao kaya’t hindi dapat suspindehin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus sa nasabing lugar.
Giit pa ng grupo ng mga mambabatas, hindi rin kinonsulta ng Pangulo ang Kongreso at iba pang matataas na opisyal ng militar maging ang Defense Department na kasama nito sa kaniyang biyahe sa Russia.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo