Ginawa ng ehekutibo ang tungkulin nito na mag-ulat sa kongreso hinggil sa pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao bunsod ng paghahasik ng lagim ng terror group na Maute sa Marawi City.
Ito ang reaksyon ng Malakaniyang sa ginawang paghahain ng petisyon ng genuine minority sa Korte Suprema para kuwesyunin ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang nila ang naging hakbang bilang prerogative ng mga mambabatas na nakasaad naman sa 1987 constitution.
Sa panig naman ni Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na may sapat na batayan ang pagdideklara ng batas militar sa Mindanao at kumpiyansa silang papaboran ito ng high tribunal.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping