Malabo umanong kayanin ng pwersa ng pamahalaan ang tatlong araw na deadline na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte para tapusin ang krisis sa Marawi City.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. General Restituto Padilla, sadyang nagmamatigas ang mga terorista na wakasan ang kaguluhan sa lungsod at ang mga ground commander ang mas nakakaalam ng sitwasyon sa Marawi City maging ang mga maaaring solusyon doon.
Tiniyak naman ni Padilla na ginagawa ng mga ground commander ang lahat ng makakaya nila upang makasunod sa deadline at matapos na ang Marawi City crisis.
By Meann Tanbio