Inako ng teroristang grupong ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang insidente ng pamamaril at pangho-hostage sa Australia na ikinasugat ng tatlong (3) pulis.
Ayon sa ipinalabas na pahayag ng grupo sa Amaq News Agency, kanilang sinabi na isa sa kanilang miyembro ang nagsagawa ng pag-atake sa Melbourne dahil sa pagiging kaalyado ng Australia sa United States.
Matatandaang nitong Lunes ay isang gunman ang napatay ng Australian police matapos na mamaril at mang-hostage ng isang babae.
Kaugnay nito, iniimbestigahan na pamahalaan ng Australia ang naging pahayag ng ISIS.
By Krista de Dios
Insidente ng pangho-hostage sa Melbourne inako ng ISIS was last modified: June 6th, 2017 by DWIZ 882