Muling itinakda ng Korte Suprema na siyang tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang kanilang preliminary conference.
May kaugnayan ito sa inihaing electoral protest ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te, gagawin ang preliminary conference sa Hulyo 11, araw ng Martes.
Una nang itinakda ng PET ang preliminary conference sa Hunyo 21, ngunit ipinagpaliban ito makaraang hilingin ng kampo ni Marcos na magtalaga ng tatlong hearing officers upang tulungan ang tribunal sa pagbalangkas ng resolusyon.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo