Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang gagawin ang lahat para mapulbos lamang ang mga teroristang naghahasik ngayon ng lagim sa Marawi City at iba pang panig ng Mindanao.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang pagharap sa mga sundalo sa 602nd infantry brigade ng Philippine Army sa Camp Lucero sa North Cotabato kahapon.
Hindi naitago ng Pangulo ang kaniyang inis at pagkadismaya sa mga terorista na aniya’y ayaw sa katahimikan at kaayusan ng bansa.
Kumpiyansa ang Pangulo na pinopondohan ng mga sindikato ng droga ang mga terorista na siyang ginagamit nito para makapaghasik ng takot at pangamba sa publiko.
By: Jaymark Dagala