Sumampa na sa mahigit isandaan limampu (150) ang nasawi sa suicide bombing sa Kabul, Afghanistan.
Ayon kay Afghan President Ashraf Ghani, hanggang ngayon ay hindi pa mabatid kung anong grupo ang nasa likod ng pambobomba noong isang linggo lalo’t itinanggi na ito ng grupong Taliban.
Gayunman, ipinunto ni Ghani na panahon na para sa Taliban na yakapin ang kapayapaan o harapin ang mga konsekwensya.
Inilunsad naman ng Afghanistan Kabul Process for Peace and Security Cooperation na lalahukan ng mga kinatawan mula sa dalawampu’t tatlong (23) bansa kabilang ng US at Pakistan.
By Drew Nacino
Death toll sa Kabul suicide bombing umabot na sa mahigit 150 was last modified: June 7th, 2017 by DWIZ 882