Puspusan na ang imbestigasyon ng Davao City Police at militar sa tunay na pakay ng mag-amang Cayamora at Norhana Maute sa Davao City.
Ayon kay Eastern Mindanao Command Deputy Commander, Brig. General Gilbert Gapay, inaalam na nila kung may supporters ang Maute Group sa Davao City at kung saan nagkakanlong ang mga ito.
Mahirap anyang paniwalaan ang pahayag ng mag-amang Maute na magpapacheck-up lamang sila sa Davao City dahil nakuhanan ng IED o improvised explosive device ang sinasakyan nilang van.
“Bilang ama ng Maute clan, ang papel kasi ng ama sa isang clan ay mabigat yan providing directions and guidance sa buong pamilya, itong grupo ng Maute hindi naman na-developed overnight lang pinagplanuhan nila ang ginawa nila sa Marawi, the mere fact na nandito sila sa Davao, hindi malayo na may supporters sila dito, yan ang tinitignan natin ngayon.”
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Tunay na pakay ng nadakip na ama ng Maute Group leaders pinagdududahan was last modified: June 7th, 2017 by DWIZ 882