Nagmatigas ang Saudi Arabia sa posisyong dapat gumawa ng sapat na hakbang ang Qatar para maibalik ang magandang ugnayan nila.
Pangunahin at pinakamahalagang hakbang na dapat gawin ng Qatar, ayon kay Minister Adel Al-Jubeir ang pagtigil sa suporta sa Palestinian group na Hamas at ilang Muslim brotherhood.
Sinabi ng Saudi Minister na walang anumang bansa ang nais saktan ang Qatar subalit kailangang tuparin nito ang ipinangakong hindi susuportahan kailanman ang extremist groups.
Magugunitang maliban sa Saudi Arabia, pinutol na rin ng mga bansang Bahrain, United Arab Emirates, Yemen at Egypt ang kanilang relasyon sa naturang bansa.
By Judith Estrada – Larino