Kinontra ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang inilabas na legal opinion ni dating Justice Secretary ngayo’y Senador Leila de Lima hinggil sa hurisdiksyon ng PEZA o Philippine Economic Zone Authority sa mga economic zone.
Kaugnay ito sa nangyaring sisihan at turuan sa pagitan ng PEZA at ng BFP o Bureau of fire Protection matapos ang nangyaring pag-atake at panununog sa Resorts World Manila nuong isang linggo.
Batay sa inilabas na apat na pahinang legal opinion ni Aguirre na nakapangalan kay PEZA Director General Charito Plaza, iginiit nitong ang BFP ang siyang may kapangyarihang magpatupad ng Republic Act 9514 o ng Revised Fire Code of the Philippines sa mga Economic Zone.
Ipinaliwanag pa ni Aguirre sa kaniyang legal opinion na wala naman sa itinatadhana ng fire code na hindi saklaw ng kapangyarihan ng BFP ang mga Economic Zone na nasa ilalim ng PEZA.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo