Tinawag na walang kwenta ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang alegasyon na may kinalaman si Senator Bam Aquino sa pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.
Ayon kay Aquino, agad niyang hiningan ng paliwanag si Lorenzana kasunod ng naging akusasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nakipagpulong ang senador sa ilang pamilya sa Marawi City noong May 2.
Aniya, sa palitan nila ng text ni Lorenzana, tiniyak ng kalihim na hindi niya binibigyang bigat ang chismis.
Giit ni Aquino, dapat beniberipika muna ni Aguirre ang mga petsa, ebidensiya at mga opisyal na pahayag mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bago maglabas ng mga akusasyon.
Lumitaw na May 19 at hindi May 2 nagtungo si Aquino sa Marawi City para dumalo sa inagurasyon ng Negosyo Center sa ARMM.
By Krista De Dios | With Report from Cely Bueno