Pinasabugan ng landmine ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA ang isang police patrol car sa Giporlos Eastern Samar Huwebes ng umaga.
Ayon kay Chief Inspector Bella Rentuaya, tagapagsalita ng PNP o Philippine National Police Region 8, patungo sa isang seminar ang 4 na pulis na sakay ng nasabing patrol car nang tambangan ang mga ito at mauwi ang insidente sa dalawampung (20) minutong palitan ng putok.
Wala namang naiulat na sugatan sa mga pulis habang hindi pa tiyak sa panig ng mga rebelde.
Kasunod nito, nagtayo na ng mga checkpoints sa lugar ang mga otoridad para mahuli ang mga salarin at nagsasagawa na rin ng hot pursuit operations.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal