Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi susunod ang Kamara sakaling paboran ang mga petisyon laban sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Alvarez, walang hurisdiksyon ang Korte Suprema sa kongreso dahil co-equal branches sila.
Sinabi ni Alvarez na hindi niya dapat diktahan ng High Tribunal ang kongreso kung ano ang dapat na gawin kaugnay sa usapin ng martial law.
Pupunitin aniya niya ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema sakaling kontrahin ang martial law declaration, kapag napasakamay niya ito.
Binigyang diin ni Alvarez na posibleng humantong sa constitutional crisis ang sitwasyon sakaling magtuluy tuloy ang panghihimasok umano ng Korte Suprema sa mga hakbang na ginagawa ng kongreso kaugnay sa batas militar sa Mindanao.
By Judith Estrada – Larino