Tinanggal na ng search engine na Google ang Chinese reference sa pinag-aagawang Panatag Shoal sa West Philippine Sea sa map service nito.
Ayon sa Google Philippines, alam ng kumpanya ang isyu kaya’t minabuti muna nitong tanggalin sa ilalim ng China ang naturang teritoryo hanggang sa magkaroon na ito ng linaw.
Makikita dati sa Google map ang pinag-aagawang teritoryo bilang Huangyan Island na bahagi ng Zhongsha Island ng China.
Ngunit ngayon ay tinukoy na lamang itong Scarborough Shoal bilang neutral reference sa naturang sandbank.
Tinatawag naman itong Bajo de Masinloc o Panatag Shoal ng Pilipinas.
Kasunod ito ng petisyon ng higit sa 1,002 katao na pumirma sa change.org upang baguhin ito ng google map ang pagtukoy nito sa naturang teritoryo.
By Rianne Briones