Aasuntuhin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga operator ng mga Public Utility Vehicle sa Western Visayas na lumahok sa dalawang araw na strike na dahilan ng pagkaparalisa ng public transport sa rehiyon.
Ayon kay L.T.F.R.B.-Western Visayas Director Richard Osmeña, maglalabas siya ng show-cause orders sa lahat ng operators na lumahok sa tigil-pasada at pagpapaliwanagin kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanilang prangkisa.
Hinihintay na anya ng kanilang tanggapan ang mga report hinggil sa monitoring ng Philippine National Police-Highway Patrol Group sa mga PUV na bumiyahe noong Hunyo 5 hanggang 6.
Inilunsad ang tigil-pasada ng mga transport group sa Western Visayas bilang protesta sa plano ng gobyerno na i-pagphaseout ang mga jeep na labinlimang taon ng bumibyahe o higit pa.
By: Drew Nacino