Humihirit ang MMDA o Metropolitan Development Authority sa kongreso na magpasa ng batas na magbibigay ng anim na libong (P6,000.00) hazard pay para sa mga traffic constable nito.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, isa itong paraan upang masugpo ang korupsyon sa kanilang hanay.
Aniya, ang entry level ng isang traffic enforcer ay umaabot lamang ng labing isang libong piso (P11,000.00) habang ang take home pay ng mga ito ay umaabot lamang sa anim na libong piso (P6,000.00) matapos ang mga kaltas.
Binigyang diin ni Lim na mahalaga na dagdagan ang tinatanggap ng mga traffic constable upang mahikayat itong pagbutihan pa ang kanilang trabaho at umiwas sa anumang masamang gawain.
Ilang beses na ring sinubukan na magsulong ng karagdagang benepisyo para sa mga tauhan ng MMDA nitong mga nakalipas na taon ngunit naibasura rin sa Kamara.
By Rianne Briones