Inihayag ng DFA o Department of Foreign Affairs na hindi pa pinal ang naging desisyon ng Court of Appeal ng Putrajaya, Malaysia sa siyam (9) na Pinoy na sangkot sa Lahad Datu Seige noong 2013.
Nakasaad sa inilabas na statement ng DFA na diringgin pa ng Federal Court of Malaysia ang naging desisyon ng Court of Appeal.
Tiniyak ng DFA na tuloy-tuloy ang ipagkakaloob na tulong ng gobyerno sa mga nahatulang Pinoy.
Una rito, pinagtibay ng Court of Appeal ng Malaysia ang naunang desisyon ng high court na nagpapawalang sala sa labing-tatlong (13) Pinoy dahil sa kasong treason at terorismo.
Gayunman, pinagtibay din ang desisyon na naghahatol sa siyam (9) na Pilipino na sangkot sa Lahad Datu Seige at sa halip na habambuhay na pagkakabilanggo ay ginawa pang kamatayan ang parusa sa kanila.
By Meann Tanbio