Bumuo na ng apat na panel of prosecutors ang DOJ o Department of Justice na siyang hahawak sa inquest proceedings ng mga na-arestong hinihinalang may kinalaman sa pag-atake sa Marawi City.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, binubuo ang bawat panel ng tatlong piskal na nagmula sa mga tanggapan ng DOJ sa Iligan City gayundin sa Cagayan de Oro City.
Nagpaliwanag ang kalihim kung bakit walang taga-Marawi na kasama sa binuong panel dahil aniya sa hiniling ng mga ito na huwag silang isama bunsod ng usaping pang seguridad.
Magugunitang ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ng DOJ na magbuo ng special courts sa labas ng Mindanao para duon dinggin ang mga kaso laban sa Maute Group na nakatakda namang i-apela ng kalahim.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo