Pina-iimbestigahan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang planong destabilisasyon laban sa administrasyong Duterte.
Ito’y makaraang malagay sa kontrobersiya ang kalihim kaugnay ng di umano’y pagpupulong ng ilang lider oposisyon sa mga maimpluwensyang angkan bago ang Marawi siege.
Batay sa ipinalabas na Department Order 385 ng kalihim, inaatasan nito si NBI o National Bureau of Investigation Director Dante Gierran para magsagawa ng imbestigasyon at case build-up sa nasabing plano.
Kasabay nito, inatasan din ni Aguirre si Gierran na magsumite ng mga kinauukulang report sa ginawa nilang imbestigasyon sa tanggapan ng kalihim.
By Jaymark Dagala / with report from Bert Mozo (Patrol 3)
Planong destab sa Duterte admin pinaiimbestigahan ng DOJ was last modified: June 10th, 2017 by DWIZ 882