Muling hinimok ng Chinese government ang Pilipinas na bumalik sa negotiating table upang maresolba ang territorial dispute sa West Philippine Sea sa gitna ng arbitration case na inihain ng gobyerno ng Pilipinas sa International Tribunal sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying, dapat i-atras ng Pilipinas ang reklamo nito sa Arbitral Tribunal dahil hindi kailanman tatanggapin ng Tsina ang ang unilateral attempts upang maging third party at maresolba ang hidwaan.
Binigyan na lamang ng International Tribunal ng hanggang Agosto ang China upang ihayag ang kanilang panig.
Sa oras na mabatid ng Arbitral Tribunal na may hurisdiksyon ito sa reklamo ng Pilipinas laban sa China ay diringgin na ng korte ang mga merito ng kaso.
By Drew Nacino