Bagamat hindi siya ang napili para gumanap bilang Darna, pinatunayan ng aktres na si Angel Locsin na hindi na kailangan ng costume para makatulong sa mga nangangailangan.
Ito’y matapos mamahagi ang bituin ng “La Luna Sangre” ng food packs at school supplies sa mga apektado ng bakbakan sa Marawi City.
Kasama ang charity group na Rural Missionaries of the Philippines, dinalaw ni Locsin ang isang evacuation center kung saan tumutuloy ang halos tatlong daang (300) indibidwal.
Umaasa naman si Angel na matatapos na ang sagupaan sa pagitan ng Maute Group at mga tropa ng pamahalaan sa Mindanao.
- therealangellocsin: entrance longing for a safe haven… #StandwithMarawi #Peace#PrayforMarawiCity
By Jelbert Perdez
Photo: Screengrab from therealangellocsin / Instagram