Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang dalawa (2) kataong may apelyidong Maute.
Sinabi ni Senior Superintendent Robert Roy Bahian ng Cagayan de Oro City Police Office na hindi naman terorista ang mga nasabing tao bagamat Maute ang kanilang last name.
Ayon kay Bahian, ang mga nasabing tao na kinuha nila sa isang hotel sa Cagayan de Oro City ay papalayain din kapag napatunayan ng mga otoridad na hindi sila miyembro ng local ISIS.
Samantala, tiniyak ni Bahian na ligtas mula sa sa mga terorista ang Cagayan de Oro City.
Kasabay nito, binalaan ng mga otoridad ang mga residente ng Cagayan de Oro City laban sa mga hinihinalang Maute group bombers na sina Mohammad Reza Kiram alias Abdulrahman at Mohammad Noaim Maute alias Abu Jadid.
Nai-post na sa Facebook page ng police office ang litrato ng dalawang suspected Maute members at ipapakalat na ito sa buong lungsod.
Nilinaw ng mga otoridad na hindi pa nakakapasok sa Cagayan de Oro City ang mga nasabing suspek.
By Judith Estrada – Larino