Kasalukuyang comatose ang itinuturong utak sa 2009 Maguindanao massacre na si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Senior.
Kinumpirma ni Atty. Sal Panelo, abogado at tagapagsalita ni Ampatuan, atake sa puso ang sanhi ng pagka-coma ng kanyang kliyente noong Lunes ng gabi.
Binisita na aniya si Ampatuan ng mga anak nito, mga apo at kaanak maliban sa mga nakapiit nitong anak na sina dating Datu Unsay, Maguindanao Mayor Andal Junior at dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan.
Magugunitang na-diagnose na may liver cancer ang isa sa pangunahing akusado sa massacre case na kasalukuyang naka-confine sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Dahil dito, tinaningan na ng mga doktor sa NKTI ng 3 hanggang 6 na buwan ang buhay ng 74 na taong gulang na si Ampatuan.
By Drew Nacino