Nakadalaw na si Senador Bong Revilla Jr. sa may sakit na ama na si dating Senador Ramon Revilla Sr.
Kasunod na rin ito ng pagpayag ng Sandiganbayan sa hirit ng senador na bisitahin sa ospital ang ama mula alas-3:00 ng hapon kahapon hanggang alas-8:00 kagabi.
Pasado alas-2:00 ng hapon nang umalis mula sa kanyang piitan sa PNP Custodial Center si Senator Revilla.
Bandang alas-3:00 ng hapon nang magkita ang mag-ama sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig.
Matatandaang noong Sabado, isinugod sa ospital ang nakatatandang Revilla dahil sa metabolic encephalopathy secondary to dehydration at aspiration pneumonia.
By Meann Tanbio