Pinaigting pa ng militar ang operasyon nito laban sa mga armadong grupo sa Maguindanao.
Kasunod na rin ito nang pakikipagbakbakan ng mga awtoridad sa mga miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Sitio Lab, barangay Kuloy sa bayan ng Shariff Aguak.
Ang nasabing sagupaan ay sinundan nang engkuwentro ng 23rd mechanized company ng second mechanized battalion ng Philippine Army sa mga terorista sa Sitio Maibunga, Bangaray Malangog sa bayan naman ng Datu Saudi Ampatuan.
Tumagal ng halos kalahating oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig dahilan nang paglikas ng mga sibilyan.
Umatras ang BIFF nang bombahin sila ng military, gamit ang 105 millimeter howitzers cannon.
Sinasabing ginagaya na ng BIFF ang pagwagayway ng itim na watawat ng Maute group at Abu Sayyaf para makakuha ng suporta sa ISIS.
By Judith Larino
Operasyon vs. mga armadong grupo sa Maguindanao pinalakas was last modified: June 12th, 2017 by DWIZ 882