Mukhang tutuloy ang tambalan nina Senador Grace Poe at Francis Escudero sa 2016 Presidential elections.
Ito ayon kay Senador Sergio Osmeña ang kanyang nakikitang direksyon kaya’t malamang aniya ay maging four-way fight ang mangyari sa Halalang Pampanguluhan sa pagitan nina Vice President Jejomar Binay, Senador Grace Poe, DILG Secretary Mar Roxas, at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ayon kay Osmeña, kaya patuloy na kinakausap ng Pangulong Noynoy Aquino si Poe ay dahil gusto nitong huwag nang sumabak ang senadora sa pagka-Presidente o mawala ito sa eksena sa Presidential Elections, sa halip ay mag-vice na lang ito kay Roxas.
Sinasabing kaya nakikipag-usap si Poe sa Pangulo ay dahil umaasa ito na makuha ang endorsement ng Pangulo sakaling hindi nito manukin si Roxas dahil sa mababa pa sa survey ang kalihim.
Binigyang-diin ni Osmeña na hindi dapat na maging kampante ang mga pulitikong nangunguna ngayon sa mga pre-election Presidential survey dahil malaki pa ang tiyansa na mabago ang political landscape sa bansa bago ang mismong araw ng halalan.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)