Arestado ang walong (8) miyembro ng Bayan at Gabriela matapos magtangkang manggulo sa selebrasyon ng ‘Araw ng Kalayaan’ sa Kawit, Cavite.
Nagsi-sigaw ang grupo ng huwad na kalayaan habang nakataas ang tikom nilang kamao habang nagtatalumpati si Senador Panfilo Lacson.
Pinigilan ang mga militante sa loob ng mobile ng patrol habang isinasagawa ang programa sa Kawit kung saan unang iprinoklama ang ‘Araw ng Kalayaan’ noong June 12, 1898.
Maliban kay Lacson ay naroon rin sa programa si Tourism Secretary Wanda Teo.
Una nang nag-alay ng bulaklak sa puntod ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo si Lacson sa Aguinaldo Shrine.
By Len Aguirre