Sumampa na sa dalawandaan siyamnapu (290) ang bilang ng namamatay sa mahigit tatlong linggong sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at ISIS-Maute group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Halos animnapu (60) na ang nalagas sa hanay ng pamahalaan at tinatayang apatnapu (40) ang nasawing sibilyan.
Pinakamarami namang namatay sa panig ng teroristang grupo na isandaan siyamnapu’t isa (191).
Tinatayang isandaan walumpung libong (180,000) residente naman ang apektado kabilang ang mga nagsilikas sa mga karatig lungsod at bayan.
Samantala, hindi pa rin natatagpuan o nakakausap ang nasa limampung (50) pulis sa Marawi City makaraang maipit sa bakbakan.
By Drew Nacino
Halos 300 naitalang nasawi sa patuloy na bakbakan sa Marawi was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882